(Tula mula sa isang batikang Bodybuilder na nag-ibang bansa)

Posted: April 13, 2015 in Guest's Corner
Tags:
1

Photo courtesy of Alfie Cornel & fellow OFW’s

Sa isang paglalayag sa karagatan,
Isang kagalakan at karangalan,
Nakadaupang palad natin kahit panandalian lang,,
Mga mukhang punompuno ng pag-asa at katatagan,,
Sa unang sulyap,mukha nila’y puno ng kasiyahan,,

Di mo maiisip na sa isang tabi ay balot sila sa kalungkutan,,
Kapag nag-iisa’y luha ang sinasandalan,,
Hindi dahil sa hirap kundi may pangunahing dahilan,,
Mga mahal sa buhay na naiwanan,,

Ang maiahon sa kahirapan,,
Mga pangarap ay makamtan,,
Kaya pamilya’y iniiwanan,,
Sa ibayong lugar o bansa’y makikipagsapalaran,,
Ang kalusugan ay walang kasiguruhan,,
Ngunit ang pangungulila at balot ng kalungkutan,,
Ang pinakamabigat nilang pinagdadaanan,,

Bawat isa ay samutsari ang kapalaran,,
May pinapalad pero karamihan ay dumaranas ng kabiguan,,
Kung hindi minamaltrato sila’y pinagsasamantalahan,,
Iyan ang wagas na katotohanan,,
Habang ang larawan ay ating pinagmamasdan,,

Saan ka mang lupalop ng mundo kabayan,,
australia,asya,amerika,europa,africa at gitnang silangan,,
Tayo ang bagong bayani ng sambayanan,,
Taas nuo kahit kaninuman,,
Tatak pilipino ating ipagyabang,,
Dahil dugo at sariling pawis ating ipinuhunan,,,,

MABUHAY!!!!

(ang tulang ito ay mula kay Alfie Cornel. Isa siyang batikang bodybuilder na mula sa Baguio City.)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s